Posted by: Paprika | 02/21/2009

no adsense on wordpress.com hosted blogs. sorry!

hah!!! I still can’t figure out how to  totally control my wordpress.com blog… but look, I was able to put my own image header,  yeheyyy!!! congrats to myself!

I wanted to put sana some google adsense, pero nde daw pede! hmp!!! ayaw ni wordpress eh!  Adsense is not allowed on wordpress.com hosted blogs, FAQ told me he he he… But if you purchase an upgrade to your account, you’ll be able to shut off their own ads and put your own… this is because they need to earn revenues from their own ads to continue giving us good and quality services.

No Adsense, No Revenue, No kwarta! Yun na!

Posted by: Paprika | 02/20/2009

ay nini tiga-saan ka baga? tiga-reserva po!

[in our native accent]

Ako po ay si Ellen, tiga-run po sa Brgy. Reserva, ang pinakamalaking baryo sa bayan ng Baler, lalawigan ng Aurora. Hindi po ako si Ellen na anak ng mag-asawang sina Inang Consing at Mang Imok (sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa). Ako po si Ellen na anak ni Inang Nila kay Mang Kamlon (sumalangit nawa si tatay) na pumanaw na rin po, kaya po ako ay ulila na rin sa ama. Marami po ta-ay nagkakamali, dahil pareho po kami ng apilidu ni ate Ellen. Nagkaka-iba lang po kami ng middle name. Minsan nga ay, natatandaan ku, nung nasa high-school pa ako, hindi pa po duun uso nuon ang internet, wala pa rin po mga computer ang mga tau duun, may nag-padala ng sulat sa akin, kay ate ellen napunta. Ay nabasa na tuloy niya. Aywan ko nga baga kung bakit pareho kami ng pangalan, ang dami-dami naman puwedeng ipangalan sa amin, at nagkakaparehu pa. Tinatanung ko nga kay nanay ay, wala naman siyang malinaw na paliwanag. Kung sabagay ayus lamang iyun. Marami naman duun na magpipinsan na nagkakapareho ng pangalan. Siguro wala ng maisip yung mga matatanda dun, anu? Akkaw, sa amin limang magkakapatid, tatlo kaming may pinsan na kaparehas ng pangalan, makainip nga ay. Ay de pa naman kami nakaka-attend ng reunion namin, kaya hindi na rin namin nakikilala ang isa’t-isa. Nung bata pa ako, (ayaw ko naman sabihin nung maliit pa ako,  dahil hanggang ngay-un naman ay maliit pa rin po ako, de nga ako lumaki ay) naalala ko, pumapasoksa ako sa iskul ng naka-tsinelas. Hindi ko nga matandaan kung bakit, dahil yata wala kaming pambili ng sapatos he he he. Pero ang tanda ko nung bata pa ako, mayruun kaming labandera na matandang ilokona, si manang saling. Kaya ang ibig sabihin kung may labandera kami,  ay di may-ruun din siguro kaming pera. Ay pag nagpasungkit si tatay ng niyog nuun, pagkatapos maibenta at magawang copra yung iba at maibenta ulit, ay larga na kami ni tatay duun sa kaisa-isang sinehan sa Baler, yung Arem Cinema (yata). Bata pa ako nun ay, kaya hindi ko pa natatandaan masyado. “Hanggang dyan ka na lang!” sabi pa nga ni Fernando Poe Jr. he he he. Fan si tatay na FPJ, kaya madalas penikula ni FPJ ang napapanood ko. Penikula ang tawag ni tatay sa pelikula at saka nung iba pang matatanda, ang weird nga ay. Nag-aral ako ng elementarya sa mababang paaralan ng Reserva. At hanggang ngay-un ay natatandaan ko pa kung sino ang Principal namin duun, sinu pa kundi si Mrs. Antonina Querijero at ang trainer ng mga player ay walang dilit-iba kundi si Kuya Rey (Zabat). Akkaw, wala pa ring kupas hanggang ngay-un ay siya pa rin ang trainor mula sa panganay kong kapatid hanggang sa bunso kong kapatid, at inabot pa rin ng mga pamangkin ko. Nuung nga namatay ang tatay ko, laging dumadalaw si Kuya Rey ay, nasabi ko nga sa kanya na  magretiro na, pero mahal daw niya ang trabaho at duun na raw siya mamatay (sopla!). Syempre dun din ako nag-aral ng sekundarya, dating Aurora Provincial High School (APHS) na naging Aurora National High School  (ANHS). Ay masaya duun sa iskul namin. Hindi ruun pinagbabawal ang pagdadala ng matatalim na bagay, ha ha ha… ako nga laging may dalang itak ay, at mahirap na, baka mapapagalitan ng titser pag walang dalang itak, kailangan iyun dahil mag-gagamas. At wala silang patawad, umagang-umaga nag-gagamas ka! Aysus, bagong ligo ka at preskung-presko. Pero masaya pa rin, dahil kung wala naman gan-un ay di wala din magagandang alala sa eskwela, di baga? Nung nakaraan december nagkaruun sila ng alumni homecoming, sayang nga ay at di ako nakapunta. Sa susunod na laang siguro. Pag walag pasok nuun, nagpupunta kami sa kagewad (aplaya po yun). O kaya naman ay sa tabing ilog, nagpipicnic baga. Ay nakakamiss na rin. Syempre nandito na ako sa siyudad, dito na ako nag-tapos ng kolehiyo. Pero gusto ko pa rin bumalik duun ay sa Reserva. Kahit saan ako magpunta, basta ipagmamalaki ko pa rin na “tiga-ruun po ako ay sa Reserva”.

Ikaw tiga-Reserva ka rin baga? Halika kuwentuhan tayu.

<!> <!> <> campbells<

My mother-in-law has always been a good cook. She can cook anything, from simple dishes to elaborate gourmet meals and fine cuisine. Some people sure have the gift of cooking and she definitely does. Everything she cooks tastes wonderful. She never fails to satisfy my appetite.

 

I have never had a bonding experience with mom-in-law. Though we live in the same house (it’s her house actually!), I don’t have the chance to tell her, how much I admire her cooking prowess. We don’t talk with each other much, but she was kind enough to share some of her recipes with me. And it’s very sweet of her to teach me how to cook her fabulous and simplified “Chicken Pastel” or is it Pastil?

 

Mom-in-law is very meticulous about her ingredients. She only uses the best and most trusted brand name products in all her cooking. One particular brand that she always uses is “Campbell’s cream of mushroom soup”. You can’t miss this red and white label stock in her kitchen. It’s a very valuable staple food in every pantry.

 

Campbell’s cream of mushroom soup is 98% fat free, flavorful and a great base or addition to any recipe. But, it is high in sodium and monosodium glutamate.

 

Campbell’s cream of mushroom nutrition facts:

Serving Size: 1/2 cup condensed soup
Calories: 100
Fat Calories: 50
Total Fat: 6g (9% DV)
Saturated Fat: 1.5 (8% DV)
Trans Fat: 0g
Cholesterol: 5mg (2% DV)
Sodium: 870mg (36% DV)
Total Carb: 9g (3% DV)
Sugars: 1g
Protein 1g

 

Anyway, here’s my mom-in-law simplified chicken pastel/pastil recipe.

Ingredients:

1 Kilo Chicken Legs
2 pcs. Onions (chopped)
3 cloves Garlic (chopped)
1/2 can “Campbell’s Cream of Mushroom Soup”
1 cup Grated cheese
6 pcs. Hotdogs (sliced diagonally)

Procedure:

1. Sauté onions and garlic till onions are translucent.

2. Add in chicken. Keep stirring until it looks cooked on the outside. Cover and simmer on low fire until chicken is cooked through.

3. Add in hotdogs, cream of mushroom soup and cheese.
Let it simmer for 5 minutes, or so until all the ingredients are well incorporated.

4. Add salt and paper to taste.

5. Transfer to a serving platter and garnish with grated cheese.

Posted by: Paprika | 02/19/2009

trying the wordpress for the first time

today,  I have tried using wordpress and I got confused!..

Yay…I’m totally lost!

« Newer Posts

Categories