today, as i was checking my blog stat here on wordpress, i saw this keyword on my daily search engine terms – aral mula sa pelikulang “Baler”, obviously, the person who was trying to used the term found my blog, he he he he. actually, i have never watched the movie, nde po kc ako fan ng kahit na sinong artista sa nasabing pelikula. kaya wala din po ako maseshare tungkol d2. but i’m proud na napansin nila ang Baler para gawan pa ng pelikula, di ba naman sa dami ng bayan sa lalawigan ng Aurora, Baler pa ang napili nila. ibig sabihin lang po na ang minamahal natin na bayan ng Baler ay talagang may naiambag at umukit ng pangalan sa buong kasaysayan ng bansang Pilipinas. kung tutuusin, isa lamang itong maliit na lugar sa bandang silangan sa may baybayin ng dagat pasipiko. Ngayon ko lang po napagtanto na ang bayan na Baler po ay isa sa mga makasaysayang bayan sa buong kapuluan ng bansang Pilipinas, kaya ipagbunyi po natin ito.
aral mula sa pelikulang “baler”
Posted in Home | Tags: aourora, baler, baler aral, baler movie review, baler the movie, pilipinas
away
calling all taga brgy. reserva baler aurora
hello po sa inyo. kumusta nmn po kau ngayon?
kung sino man po ang nagnanais na maging author ng blogsite na ito, paki message lang po ako, basta po tiga-reserva po, yun dun sinilang at nagkaisip. simple lang po ang paraan
:-magregister lang po sa wordpress.com tapos, i-message lang po ninyo ako d2 kung meron na, free lang po ang account d2 sa wordpress.com (take note iba po yung wordpress.org->may bayad po d2
)
yun lang po.
Paprikas kooky world has been move to blogspot
i’ll be moving this blog to blogspot
my dreams for earning extra cash from blogging came crashing on me today!
first: no adsense on wordpress
second: i cannot submit my page to any paid blogging site!
arghhh!!! so i’m moving! sorry guys!!!
—————————————————–
i am retracting what I just said above. this account will stay, but paprika’s kooky world is moving to blogspot. this will be Reserva’s account and everyone from Reserva can contribute.
Posted in Home
AdBrite captcha code suxs!!
i have tried creating a publisher account at AdBrite, but their captcha really suxs!!! i’ve entered it a 100 times but to no avail!…wtf!
frustrated….
gudnyt everyone!
Posted in Home | Tags: adbrite, adbrite captcha
my wordpress is now google verified
goodnight today, it’s time to retire for bed
hay…it’s 9:00pm and i’m still facing a blank text module… and i’m tired and feeling sleepy! i can’t think of anything to write. just goodbye today, it’s time to retire for bed. another good today has pass and I’ll be meeting another today, tomorrow. I hope tomorrows today is much better than you today! goodnight today!
gets mo?
Posted in Home
6/49 superlotto results tonight – 2 jackpot winners! – are you the lucky duck?
Tonight’s PCSO 6/49 Superlotto jackpot prize swells to P347,836,903.20. This is the biggest prize ever in the history of the Philippines lottery. Everybody wants to win, including me, my husband and of course my Nanay. She even texted me this afternoon, asking me to place a bet on her 6 numbers combination. Hoping for a biggest change in our life, he he he…. I have watched the 6/49 superlotto draw tonight…actually I waited for it. And finally…at long last….there two lucky jackpot prize winner for tonight’s draw. Hindi po ako yun!
Anyway here is the winning combination for tonight’s draw. Get your ticket and compare now. It might be your lucky day!
[6/49 supperlotto / February 22, 2009] : 6 – 34 – 20 – 26 – 12 – 33
So…Any luck???
Posted in Home | Tags: 6/49 results, 6/49 tonights numbers, super lotto 6/49
no adsense on wordpress.com hosted blogs. sorry!
hah!!! I still can’t figure out how to totally control my wordpress.com blog… but look, I was able to put my own image header, yeheyyy!!! congrats to myself!
I wanted to put sana some google adsense, pero nde daw pede! hmp!!! ayaw ni wordpress eh! Adsense is not allowed on wordpress.com hosted blogs, FAQ told me he he he… But if you purchase an upgrade to your account, you’ll be able to shut off their own ads and put your own… this is because they need to earn revenues from their own ads to continue giving us good and quality services.
No Adsense, No Revenue, No kwarta! Yun na!
Posted in Home | Tags: adsense, adsense on wordpress, illitirate, subdomain, wordpress hosted blogs
ay nini tiga-saan ka baga? tiga-reserva po!
[in our native accent]
Ako po ay si Ellen, tiga-run po sa Brgy. Reserva, ang pinakamalaking baryo sa bayan ng Baler, lalawigan ng Aurora. Hindi po ako si Ellen na anak ng mag-asawang sina Inang Consing at Mang Imok (sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa). Ako po si Ellen na anak ni Inang Nila kay Mang Kamlon (sumalangit nawa si tatay) na pumanaw na rin po, kaya po ako ay ulila na rin sa ama. Marami po ta-ay nagkakamali, dahil pareho po kami ng apilidu ni ate Ellen. Nagkaka-iba lang po kami ng middle name. Minsan nga ay, natatandaan ku, nung nasa high-school pa ako, hindi pa po duun uso nuon ang internet, wala pa rin po mga computer ang mga tau duun, may nag-padala ng sulat sa akin, kay ate ellen napunta. Ay nabasa na tuloy niya. Aywan ko nga baga kung bakit pareho kami ng pangalan, ang dami-dami naman puwedeng ipangalan sa amin, at nagkakaparehu pa. Tinatanung ko nga kay nanay ay, wala naman siyang malinaw na paliwanag. Kung sabagay ayus lamang iyun. Marami naman duun na magpipinsan na nagkakapareho ng pangalan. Siguro wala ng maisip yung mga matatanda dun, anu? Akkaw, sa amin limang magkakapatid, tatlo kaming may pinsan na kaparehas ng pangalan, makainip nga ay. Ay de pa naman kami nakaka-attend ng reunion namin, kaya hindi na rin namin nakikilala ang isa’t-isa. Nung bata pa ako, (ayaw ko naman sabihin nung maliit pa ako, dahil hanggang ngay-un naman ay maliit pa rin po ako, de nga ako lumaki ay) naalala ko, pumapasoksa ako sa iskul ng naka-tsinelas. Hindi ko nga matandaan kung bakit, dahil yata wala kaming pambili ng sapatos he he he. Pero ang tanda ko nung bata pa ako, mayruun kaming labandera na matandang ilokona, si manang saling. Kaya ang ibig sabihin kung may labandera kami, ay di may-ruun din siguro kaming pera. Ay pag nagpasungkit si tatay ng niyog nuun, pagkatapos maibenta at magawang copra yung iba at maibenta ulit, ay larga na kami ni tatay duun sa kaisa-isang sinehan sa Baler, yung Arem Cinema (yata). Bata pa ako nun ay, kaya hindi ko pa natatandaan masyado. “Hanggang dyan ka na lang!” sabi pa nga ni Fernando Poe Jr. he he he. Fan si tatay na FPJ, kaya madalas penikula ni FPJ ang napapanood ko. Penikula ang tawag ni tatay sa pelikula at saka nung iba pang matatanda, ang weird nga ay. Nag-aral ako ng elementarya sa mababang paaralan ng Reserva. At hanggang ngay-un ay natatandaan ko pa kung sino ang Principal namin duun, sinu pa kundi si Mrs. Antonina Querijero at ang trainer ng mga player ay walang dilit-iba kundi si Kuya Rey (Zabat). Akkaw, wala pa ring kupas hanggang ngay-un ay siya pa rin ang trainor mula sa panganay kong kapatid hanggang sa bunso kong kapatid, at inabot pa rin ng mga pamangkin ko. Nuung nga namatay ang tatay ko, laging dumadalaw si Kuya Rey ay, nasabi ko nga sa kanya na magretiro na, pero mahal daw niya ang trabaho at duun na raw siya mamatay (sopla!). Syempre dun din ako nag-aral ng sekundarya, dating Aurora Provincial High School (APHS) na naging Aurora National High School (ANHS). Ay masaya duun sa iskul namin. Hindi ruun pinagbabawal ang pagdadala ng matatalim na bagay, ha ha ha… ako nga laging may dalang itak ay, at mahirap na, baka mapapagalitan ng titser pag walang dalang itak, kailangan iyun dahil mag-gagamas. At wala silang patawad, umagang-umaga nag-gagamas ka! Aysus, bagong ligo ka at preskung-presko. Pero masaya pa rin, dahil kung wala naman gan-un ay di wala din magagandang alala sa eskwela, di baga? Nung nakaraan december nagkaruun sila ng alumni homecoming, sayang nga ay at di ako nakapunta. Sa susunod na laang siguro. Pag walag pasok nuun, nagpupunta kami sa kagewad (aplaya po yun). O kaya naman ay sa tabing ilog, nagpipicnic baga. Ay nakakamiss na rin. Syempre nandito na ako sa siyudad, dito na ako nag-tapos ng kolehiyo. Pero gusto ko pa rin bumalik duun ay sa Reserva. Kahit saan ako magpunta, basta ipagmamalaki ko pa rin na “tiga-ruun po ako ay sa Reserva”.
Ikaw tiga-Reserva ka rin baga? Halika kuwentuhan tayu.
Posted in About | Tags: aurora, baler, reserva, reserva baler aurora




